Thursday, November 11, 2010

no regrets, just L.O.V.E

“Minsan hnd rin naman talaga ginusto ng mga taong mahal natin ang saktan tayo. Hindi naman nila sinasadyang iwan tayo para sa bagong dumating. Minsan kailangan din natin tanggapin na sa paniniwala nila mas mahal nila yon. Ganun lang naman talaga, dun sila kung saan sila masaya. Ganun din naman siguro ang gagawin natin kung tayo ang nasa sitwasyon di ba? Lahat tayo mararanasang agawin, mang-agaw at maagawan.. PANA-PANAHON lang yan..”

  ♦ oo nga, di nila ginusto na iwan nila tayo.. pero my choice db?  nasa sa tao na yun kung aalis sila at sasayangin ang panahon na magkasama kayo..

♦kung tutuusin, hindi ba dapat mas matimbang ang nauna kesa sa dumating?

 ♦ na dapat mas pag-ingatan ang matagal ng nakakasama kesa sa bagong dumating?

♦ at higit sa lahat, kung talagang mahal mo yung taong yun, kahit ano pang external factors ang andiyan sa paligid, kung iisipin mo yung taong mahal mo, di mo magagawa sa kanya yun…

 ♦ “kailangan tanggapin ang paniniwala nila na mas mahal nila yun?” teka nga muna, paano mo ba masasabi na MAS
MAHAL nya yun? dahil ba yun ang pinili nila kesa sa mahal nila sa kasalukuyan?

 ♦siguro nga, dun sila magiging masaya. pero di ba.. isang malaking KALOKOHAN.. hindi ba sila naging masaya nung nasa piling sila ng mahal nila? at kailangan pang sabihin ang salitang “dun sila mas magiging masaya”? hindi pa ba sapat ang taong mahal niya upang humantong sa ganung sitwasyon?

 ♦isang MALAKING KAHIBANGAN.. kung tatawagin.. isang MALAKING KALOKOHAN..

 ♦uhmm.. “GANUN DIN NAMAN SIGURO ANG GAGAWIN NATIN KUNG TAYO ANG NASA SITWASYON DI BA?”  isang malaking KALOKOHAN.. tulad nga ng sinabi ko kanina,, nasa sa tao yan kung gusto nyang maging FAITHFUL.. at LOYAL sa taong mas nakasama nya ng matagal.. dahil, mas mangingibabaw pa rin ang damdamin mo para sa taong alam mong nakasama mo ng matagal..

 ♦parang sa pagkakaibigan, mas pinipili natin ang mga taong nakasama na natin ng matagal, kesa  sa mga bagong dating kasi, alam na nila ang takbo ng iyong buhay.. ng iyong emosyon..

 ♦hindi ba’t ang sarap isipin, kaya kayo nagtagal kasi pinilit nyong paglaban ang mga external factors na gustong manira sa inyong relasyon.. na sa kabila ng paninira, at temptation, andiyan pa rin kayo, nakakapit sa isa’t isa.. at patuloy na pinaglalabanan lahat ng problemang darating..

 ♦ siguro nga, pana-panahon lang yan.. “agawin, mang-agaw at maagawan..”

 ♠ ito lang ang akin, walang maaagawaan, kung lahat tayo, marunong ipaglaban ang nararamdaman natin para sa taong mahal natin,, kesyo, ikaw ang may nagugustuhan,, kesyo, siya ang  may magugustuhan.. kaya nga kayo, magkasama di ba? upang sabay nyong paglabanan ang mga problema..sa huli, makikita mong kayo pa rin.. patuloy na lumalaban..

 ♠ wala din aagawin kung marunong magpahalaga ang bawat tao sa isang relasyon..

-------tamang emo ba sa gabing madilim (hala namang gabing maliwanag? ang abnoy ko ba? HAHAHA) anyway...thats a post from my friend PAULA MICHELLE that she got from her friend MEFE BALGOS...thank you so much for posting this :)

-------sa lahat ng nakabasa nito you know what ive been through and all..it was an effin pain in the ass for a while but i know it wont last for long...i got up and start again... :)

-------these words (the note i just posted) is very close to my heart... sabi nga sa kanta ni katy perry

NO REGRETS, JUST L.O.V.E
*ME GANUN???!?! HAHAHA :)) *
*a scene from her video teenage dream*
*sana ganyan din akez ka sexy!*

No comments:

Post a Comment

♥ it or X it